Tula

Likha ng sariling kaisipan. Isip na naguguluhan at marahil pusong nasasaktan. Sapagkat may mga salitang dumadaloy sa isip na hindi kayang bigyan ng boses.

HINDI KO NAMALAYAN

Hindi ko namalayan
Lumipas na ang maraming araw

Hindi ko namalayan
Nawala na ang sabik na nararamdaman

Hindi ko namalayan
Ako na pala yung bumitaw

Hindi ko namalayan
Hindi na pala ikaw ang aking mahal

_ _ _

 

ILUSYON

Sabi mo noon ako ang ‘yong gusto
Ang ngayon at bukas nakaplano
Ikaw at ako yung sinabi mong sigurado
Sa panalangin mo kasama pa nga yung tayo

Isang umaga may ibinulong ka
Tanong na nagpabangon sa’kin sa kama
Masaya ka pa ba?
Baka nasasanay na lang sa isa’t isa?

Masakit na ako’y iyong tatalikuran
Pero mas masakit ata ang ipilit na ako pa rin ang mahal
Ayokong gumising ka na wala nang nararamdan
Kaya handa na akong bumitaw

Hindi mo naman sinadyang mawala
Pati ikaw nabigla
Parang may hindi tama
Ano nga ba ang ating ginagawa?

Anim na taon
Maraming pagkakataon
Ito na marahil ang panahon
Mahal, ititigil ko na ang aking ilusyon

Advertisement